Ang mga hari sa Ibong Adarna

Haring Salermo- Hari ng Reynos De Los Cristales

  • -Tatay ni Maria Blanca
  • -masyadong maarte sa iniibig ng anak
  • -grabe kung magalit at makapangyarihan
  • Siya ang nagbigay ka Don Juan ng mga pagsubok.
  • Hindi niya natupad ang usapan nila ni Don Juan. Ang usapan na yun: Kung nagtagumpay si Don Juan sa mga pagsubok ay bibigay ni Haring Salermo si Donya Maria. Subalit, sinabi niya kay Don Juan na pumunta sa Engklatera para ikasal ang kapatid niya. Kung hindi ito ginawa ni Don Juan ay papatayin siya.

Haring Fernando- Hari ng Berbanya.

  • -mabait at maunawain
  • -magaling makitungo sa anak
  • -mapili dahil may paborito siyang anak, si Don Juan
  • magaling na hari dahil masaya ang kaharian niya
  • nagkasakit dahil sa isang panaginip, dahil doon ay kailangan kunin ang Ibong Adarna para magamot siya.

Mga Babae sa Ibong Adarna

Donya Juana

-Siya ang unang minahal ni Don Juan.

-Pinakasalan ni Don Diego.

-Kapatid ni Donya Leonora.

-Nailigtas ni Don Juan nang patayin ni Don Juan ang Higanteng nagbabantay sa kanya.

 

Donya Leonora

-Kapatid ni Donya Juana

-Pinakasalan ni Don Pedro

-Nailigtas ni Don Juan mula sa Serpyente.

-Nagmamay-ari ng isang engkantadong lobo.

 

Donya Maria

-May malakas na Mahika

-May-ari ng isang mahiwagang sing-sing

-Anak ni Haring Salermo

-Pinakasalan ni Don Juan

-Tinulungan niya si Don Juan tapusin lahat ng pagsusubok ng kanyang ama kay Don Juan

 

Donya Valeriana

-Nanay ni Don Pedro , Don Diego at Don Juan

-Reyna ng Berbanya

-Asawa ni Haring Fernando

 

Don Juan

Don Juan

Si Don Juan ay ang anak ni Don Fernando at kapatid ni Don Pedro at Don Diego, siya rin ay isang mapagbigay na tao. Siya ay ang pangunahing tauhan sa Ibong Adarna.

Ang Kwento niya:

1. Ibong Adarna: Noong nagkasakit ang kanyang ama, siya ang nakahuli ng Ibong Adarna dahil naging bato ang kanyang dalawang kapatid. Noong naging tao ulit ang kanyang dalawang kapatid  sila ay lumakbay pabalik sa kahariang Berbanya, nagplano si Don Pedro na patayin siya upang hindi malaman ang kanilang kabiguan. Kaya binugbog ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan at dinala na nila  ang Ibong Adarna papunta sa Berbanya. Noong nagising si Don Juan nagdasal at dumating  ang isang matandang manggagamot na nagpahid ng gamut sa kanyang mga sugat. Noong umuwi na si Don Juan, umawit ang Ibong Adarna tungkol sa lahat ng karanasan ni Don Juan sa kanyang paglalakbay. Sa gabi ang mga magkakapatid ay nagtanod sa Ibong Adarna, dahil sa kulang ng tulog ni Don Juan siya ay nakatulog at pinakawalan ng dalwang kapatid ang Ibong Adarna.

2. Armenia, Ang Balon: Pumunta si Don Juan sa  Armenya at nakakita sila ng balon na sobrang madilim at malalim. Sina Don Pedro at Don Diego ay di nagtagumpay sa pagbaba, ngunit si Don Juan lang ang nakababa at nakita si Donya Juana, at agad umibig siya kay Donya Juana at pinatay ang higanteng nagbabantay. Pumunta naman si Don Juan kay Donya Leonora at agad rin umibig sa kanya, pinatay niya ang serpyenteng nakabantay. Sa pagakyat ni Don Juan at ang dalawang prinsesa naiingit si Don Pedro dahil kasama ni Don Juan si Donya Leonora, kaya noong bumaba si Don Juan ulit para kunin ang singsing ni Donya Leonora at umakyat ulit pinutol ni Don Pedro ang tali at nahulog si Don Juan. Gamit ang lobo ni Donya Leonora inutusan niya na gamutin si Don Juan.

3. Paglalakbay patungo sa Reynos De Los Cristales: Si Don Juan noong naabutan ng lobo ay putol ang kanyang mga buto at meron lumalabas na dugo, kaya kumuha ng tubig ang lobo sa Ilog Herdan at ipinahid kay Don Juan at agad siyang gumaling. Noong umakyat na sila sa balon at nagpaalam na ang lobo, at nakatulog si Don Juan. Nakita ng Ibong Adarna si Don Juan at ginsing, inutusan ng Ibong Adarna na pumunta sa Reyno de los Cristales. Lumakbay muli si Don Juan at nakakaita siya ng isang ermitanyo na nagbigay sa kanya ng tinapay at tubig, pinapunta si Don Juan sa ikapitong bundok at binigay ang baro ni Jesus. Nakpunta na si Don Juan sa sinabi ng unang ermitanyo, at ipinakita niya ang baro sa ikalawang ermitanyo na nagtanong sa mga hayop kung saan ang de los Cristales, walang nakakaalm kaya pinasakay ng ermitanyo ang kanyang olikornyo sa pangatlong ermitanyo na nagtanong sa mga ibon kung saan ang de los Cristales, ang nakakaalam lamang ang malaking agila na sinakyan ni Don Juan.

4. Don Juan at Donya Maria: Noong nakarating na si Don Juan sa Reyno de los Cristales nakita niya si Donya Maria, at dahil di niya mapigilan ang kanyang pag-ibig ninakaw niya ang damit ni Donya Maria. Binalik na ni Don Juan ang kanyang damit subalit kailangan niya magawa ang mga pagsubok ni Haring Salermo ang ama ni Donya Maria. Pinagawa si Don Juan ng maraming mga pagsubok ni Haring Salermo subalit, gamit ang mahika ni Donya Maria nagawa nila lahat. Sa pagpilian ng kanyang kakasalin napili niya si Donya Maria dahil sa kanyang naputol na hintuturo. Nagplano na ang hari na ipapadala sa kanyang kapatid na Inglatera si Don Juan, kaya noong narinig ito ni Donya Maria nagplano na rin siya na tumakas sa de los Cristales. Sa pagtakas nila ay isinumpa ng hari si Don Juan na kapag nakakita siya ng ibang babae malilimutan niya si Donya Maria.

5. Sa Berbanya at ang katapusan:  Pagdating nila sa Berbanya inutusan ni Donya Maria si Don Juan na wag kausapin ang kahit sinong babae, kahit pa ang kanyang ina. Nakausap ni Leonora si Don Juan at nakalimutan na niya si Donya Maria, si Donya Maria naman ay dumating at para maalala siay ulit ni Don Juan gamit ang mga ita sa prasko na nagtanghal. Hindi pa rin naalala ni Don Juan si Donya Maria, kaya nagalit na si Donya Maria at kinuha ang prasko at babasagin para gunawin ang reyno. Naalala na ni Don Juan si Donya Maria at pinatigil ito. Pinakasal na si Don Juan at Donya Maria, sila ang naging hari at reyna ng bayan ni Donya Maria.

Don Diego

Don Diego
Si Don Diego ay isang prinsipe sa kahariang Berbanya. Siya ay ang pangalawang anak ni haring Fernando at ni DonyaValeriana. Siya ay mahinhin at matahmik. Marunong siya gumamit ng patalim at magsakay ng kabayo.

Ang Kwento niya:

Noong nagkasakit ang hari at hindi nakabalik si Don Pedro, inutusan ng hari si Don Diego hanapin si Pedro at ang Ibong Adarna. Naglakbay siya ng limang buwan at dumaan sa mga gubat, parang at iba pa bago siya nakarating sa Bundok Tabor. Namatay ang kabayo niya at inakyatan niya ang bundok. Pagdating sa itaas ay tumingin muna siya at natagpuan niya ang Piedras Platas. Dahil sa pagod ay umupo muna siya sa isang bato na may kakaibang hugis. Hinintay niya ang Ibong Adarna. Nagtaka si Diego dahil hindi lumilipad ng malapit ang mga ibon sa puno. Noong dumating na ang Ibong Adarna ay minasdan muna niya at naaliw siya dito. Noong kukunin na niya ang ibon ay kumanta ang ibon at nakatulog si Diego at pinatakan ito kaya naging bato rin siya. Nailgtas siya ni Don Juan at naglakbay ang mga kapatid pauwi sa Berbanya. Kinausap siya ni Don Pedro at binugbog nila si Don Juan at ninakaw ang Ibong Adarna.Noong nakabalik na si Don Juan sa Berbanya ay ay sinabi ng Ibong Adarna kung ano talaga ang nangyari at pinagalitan ng hari ang dalawa. Sa utos ng hari ay ipinaguardya niya ang thong Adarna sa rnagkakapatid. Pinakwalan nila ang Ibong Adarna at umalis si Don Juan. Sa utos ng hari ay pinahanap siya sa dalawang magkakapatid. Pumunta silang tatlo sa Armenia at nanatili sila roon. Noong naglalakabay sila ay may nakita si Don Juan ng isang balon at gusto nitong bumaba dito. Si Don Juan lang ang nakababa sa balon. Noong nakakyat na si Don Juan kasama ang sina Donya Leonora at Juana ay nagustuhan ni Don Diego si Donya Juana. Noong nakabalik na sila sa Berbanya na hindi kasama si Don Juan, kinasal si Don Diego at Donya Juana at masaya ang Berbanya ng siyam na araw.

Don Pedro

Don Pedro:

Si Don Pedro ay isang prinispe ng kahariang Berbanya. Siya ay anak ni Haring Fernando at ni Donya Valeriana. Panganay siya sa tatlong. magkakapatid Marunong siya gumamit ng patalim at marunong sumakay ng kabayo.

Ang Kwento niya: Noong nagkasakit ang hari , Siya ay ang unang inutusan ng hari kunin ang Ibong Adarna. Naglakbay siya ng tatlong buwan bago nakarating sa Piedras Platas. Doon ay tinignan niya muna ang puno at nakatulog siya dahil sa pagod. Dahil dito ay hindi niya nakuha ang Ibong Adarna. Nung dumating ang Ibong Adarna ay kumanta muna ito at pinatakan si Don Pedro at naging bato siya. Pagkatapos ng ilang buwan ay iniligtas siya ni Don Juan at naglakbay na sila pauwi sa Berbanya na nahuli na ang Ibong Adarna. Dahil sa tagumpay ni Don Juan ay nainggit siya sa kanya. Nagplano siya kasama ni Don Diego na bugbugin si Don Juan at kunin ang Ibong Adarna. Nangyari ito at pauwi na ang dalawa . Noong nakabalik na si Don Juan sa Berbanya ay ay sinabi ng Ibong Adarna kung ano tataga ang nangyari at pinagalitan ng hari ang dalawa. Sa utos ng hari ay ipinaguardya niya ang Ibong Adarna sa magkakapatid. Lumabas nanaman ang inggit ni Pedro at dahil dito ay pinakwalan niya ang Ibong Adarna. Lumabas si Don Juan ng Berbanya at sa utos ng hari ay pinahanap siya sa dalawang magkakapatid. Pumunta silang tatlo sa Armenia at nanatili sila noon. Noong naglalakabay sila ay may nakita si Don Juan ng isang balon at gusto nitong bumaba dito. Si Don Juan lang ang nakababa sa balon. Noong paakyat na si Don Juan na kasarna sina Donya Juana at Leonora, lumabas nanaman ang inggit ni Don Pedro. Nakalimutan ni Leonora ang kanyang singsing at pinakuha ito kay Don Juan. Pababa na si Don Juan pinutol ni Don Pedro ang lubid at bumagsak si Juan sa balon. Noong nakabalik na sina Don Pedro, Diego, Donya Leonora at Donya Juana sa Berbanya ay gusto pakasalan ni Don Pedro si Leonora. Nagsinuanglin si Don Pedro sa mga panayayari at sinabi niya na hindi nila mahanap si Don Juan. Sabi ni Leonora na hihintay siya ng pitong taon bago sila ay makasal. Hinintay talaga nito ni Don Pedro at sa katapusan ng kuwento ay nakasal siya kay Donya Leonora.

Mga Ermitanyo, ang Makata at iba pa

Ermitanyo#1:
siya and nagtulong kay don juan para pagkinuha niya and ibong adarna hindi siya maging bato.

Ermitanyo#2:
siya and nagbigay ng tubig at isang maduming porasong tinapay kay Don juan.

Ermitanyo#3:
siya and nag turo kay Don juan papunta kay Ermitanyo#4

Ermitanyo#4:
siya and nag tanong sa mga hayop para kay Don juan kung paano pumunta sa Reyno de los Cristales.

Makata:
siya and nagtulong kay Don juan pagkatapos ni Don juan magdasal sa paghingi ng tulong kasi nabubog siya ng kanyang kapatid

Matandang Leproso:
siya ang binigyan ni Don juan ng tinapay at siya ang nagtuo sa daan papunta kay Ermitanyo#1

Mga mahiwagang hayop at iba pa

Mga tauhan/hayop:
Higante- Kinalaban ni Don Juan ng nakita niya si Donya Juana

Serpyente- Kinalaban ni Don Juan ng makita niya si Donya Leonora

Lobo- Tinulugnan niya si Don Juan noong  nahulog siya sa balon

Agila- Dinala niya si Don Juan sa Reynos De Los Cristales kasi siya lang yung may alam ang landas papunta doon.

Olikornyo- Ito ang nagdala kay Don Juan sa ikatlong ermitanyo

Ibong Adarna- Ito ay isang mahiwagang ibon na nakitara sa Piedras Platas sa bundok Tabor.  Tuwing ito’y kumakanta , Nakakatulog ang sino mang makakarinig nito. Nagpapalit kulay ang balahibo nito sa bawat kantang kinakanta nito. Tuwing ito’y magbabawas , nagiging bato ang madadapuan nito. Pinagaling niya si Don Fernando noong nagkasakit siya  Sinabi niya kay Don Juan na pumunta sa Reyno de los Cristales.