Kabanata 6-13

Kabanata 6: Gantimpala ng Kabutihang Loob

Buod: Nanlimos ang isang matanda kay don juan tapos binigyan ni don juan ang matanda ng isang tinapay.Sinabi ni Don Juan ang kanyang pakay niya.Sinabi ng matanda na pumunta siya sa isa pang matanda.Sinunod ni Don Juan ang payo ng matanda at pumunta sa bahay ng ermitanyo.Sinabi ni Don Juan ang kanyang pakay sa matanda at sinabi ng matanda na gumamit siya ng dayap at hiwain ang kanyang palad upang hinde makatulog sa kanta ng ibong adarna.dapat iwasan niya ang ipot ng adarna at talian ang paa nito gamit ang gintong sintas.Naglakbay na si Don Juan papuntang Piedras Platas.

Kabanata 7: Ang Karapat-dapat

Buod: nakita ni Don Juan ang ibong adarna at dumapo ito as puno.Nagsimulang kumanta ang ibon.Hiniwa ni Don Juan ang palad niya at pinatakan ito ng dayap sa bawat kanta.Pagkatapos ng pitong kanta nagbawas ang ibon at iniwasan ito ni Don Juan.Tinali ni Don Juan ang paa ng ibon gamit ang gintong sintas at inilagay sa hawla.binuhusan ni Don Juan ang mga bato at naging tao ulit ito.Sabay-sabay naglakbay ang magkakapaitd pabalik sa berbanya.

Kabanata 8: Bunga ng Masamang Gawa

Buod: Naglakbay ang tatlo papuntang Berbanya. Habang naglalakad nakaisip ng masmang balak si Don Pedro kay Don Juan. Niyaya niya si Don Diego ngunit umayaw siya. Kinahulihan pumayag din si Don DIego.Binugbog nila si Don Juan hanggan sa mukhang patay na ito.Dumating sina Don diego at Don Pedro sa Berbanya.Binigay ng magkapatid ang ibon sa ama pero hindi pa rin ito masaya dahil hindi bumalik si Don Juan kaya lalong lumala ang kanyang sakit.

Kabanata 9: Sagot sa Taimtim na Dasal
Buod: Nagdasal si Don Juan sa Diyos.Pinagdasal niya ang kanyang ama at mga kapatid.May isang matanda na dumating at pinahiran siya ng gamot.Nang gumising siya nanumbalik ang kanyan lakas.

Kabanata 10: Ang katotohanan ay Lalabas

Buod: Naglakbay si Don Juan papuntang Berbanya.Pagbalik niya natuwa ang kanyang ama at nanumbalik ang boses ng ibon at nagsimulang kumanta.Kinanta ng ibon ang nangyari kay Don Juan.Nalaman ng hari ang ginawang kataksilan ng magkapatid at pinrusahan sila ng hari.Pinagbantay ng ibon ang tatlong magkakapatid.

Kabanata  11: Inggit at Sanhi
Buod: Kahit pinatawad na ng hari ang magkapatid nagbalak pa rin sila ng masama laban kay Don Juan.Habang nagbabantay sinabi nhi Don Peddro kay Don diego ang kanyang balak.Sinabi nila kay Don Juan na kailangan niya magbantay ng maaga,habang nagbabantay nakatulog si DonJuan.Pinakawalan ng magkapatid ang ibon.Pagkagising ni Don Juan umalis siya ng Berbanya

Kabanata 12: Di husto ang Tangan
Buod:Si Don Juan ay tumira sa Armenya upang pagsisihan ang pagkukulang niya,Nahanap siya nina Don Diego at Don Pedro at yinaya siyang bumalik sa Berbanya.

Kabanata 13: Tagumpay at Tatag ng Loob
Buod: Isang araw may nakita silang balon.Pumasok si Don Pedro pero natakot siya at umakyat.Sumunod si Don DIego pero natakot din siya.Pumasok si Don Juan at tiniis ang takot hanggang makarating sa baba.Pagkarating niya may nakita siyang malaking palasyo.

Mga gabay na tanong:

  • Bakit bingyan ni Don Juan ang matanda ng tinapay?
  • Ano ang ginawa ni Don Juan para hindi antukin?
  • Bakit binugbog si Don Juan?
  • Bakit nagdasal si Don Juan?
  • Bakit bumalik  i Don Juan sa Berbanya?
  • Bakit nagbalak ang dalawa laban kay Don Juan?
  • Bakit tumira si Don Juan sa Berbanya?
  • Bakit natakot ang dalaw sa balon?

Mga Saknong:

  • Saknong: 189-196: paliwanag- ito and saknong na nagsasabi kung paano hulihin ang ibon
  • Saknong: 213:

agad niyang sinunggaban

sa paa’y biglang tinangnan

at ginapos ng matibay
ng sintas na gintong lantay

-Ito ang mga kailangan ni Don Juan para mahuli ang Ibong Adarna

Saknong 309:

dalangin kong mataimtim

kay bathalang maawain

ang sakit mo ay gumaling
datnan kitang nasa aliw
tanong:Bakit nagdasal si Don Juan?

  • Saknong 432:

nagngangalit na tinawag
ang tatlong prinsipeng anak
dadalawa ang humarap
kapwa hindi nangapuyat
tanong: Bakit pa rin nagbalak ang dalawa laban kay Don Juan?

  • Saknong 508:

nagsimulan nang gawin
ang marapat ay tapusin
sa agawaing pabimbin-bimbin
wala tayong mararating
tanong: bakit natakot ang dalawang magkaptid sa balon?

Ang mga hari sa Ibong Adarna

Haring Salermo- Hari ng Reynos De Los Cristales

  • -Tatay ni Maria Blanca
  • -masyadong maarte sa iniibig ng anak
  • -grabe kung magalit at makapangyarihan
  • Siya ang nagbigay ka Don Juan ng mga pagsubok.
  • Hindi niya natupad ang usapan nila ni Don Juan. Ang usapan na yun: Kung nagtagumpay si Don Juan sa mga pagsubok ay bibigay ni Haring Salermo si Donya Maria. Subalit, sinabi niya kay Don Juan na pumunta sa Engklatera para ikasal ang kapatid niya. Kung hindi ito ginawa ni Don Juan ay papatayin siya.

Haring Fernando- Hari ng Berbanya.

  • -mabait at maunawain
  • -magaling makitungo sa anak
  • -mapili dahil may paborito siyang anak, si Don Juan
  • magaling na hari dahil masaya ang kaharian niya
  • nagkasakit dahil sa isang panaginip, dahil doon ay kailangan kunin ang Ibong Adarna para magamot siya.

Mga Babae sa Ibong Adarna

Donya Juana

-Siya ang unang minahal ni Don Juan.

-Pinakasalan ni Don Diego.

-Kapatid ni Donya Leonora.

-Nailigtas ni Don Juan nang patayin ni Don Juan ang Higanteng nagbabantay sa kanya.

 

Donya Leonora

-Kapatid ni Donya Juana

-Pinakasalan ni Don Pedro

-Nailigtas ni Don Juan mula sa Serpyente.

-Nagmamay-ari ng isang engkantadong lobo.

 

Donya Maria

-May malakas na Mahika

-May-ari ng isang mahiwagang sing-sing

-Anak ni Haring Salermo

-Pinakasalan ni Don Juan

-Tinulungan niya si Don Juan tapusin lahat ng pagsusubok ng kanyang ama kay Don Juan

 

Donya Valeriana

-Nanay ni Don Pedro , Don Diego at Don Juan

-Reyna ng Berbanya

-Asawa ni Haring Fernando

 

Don Juan

Don Juan

Si Don Juan ay ang anak ni Don Fernando at kapatid ni Don Pedro at Don Diego, siya rin ay isang mapagbigay na tao. Siya ay ang pangunahing tauhan sa Ibong Adarna.

Ang Kwento niya:

1. Ibong Adarna: Noong nagkasakit ang kanyang ama, siya ang nakahuli ng Ibong Adarna dahil naging bato ang kanyang dalawang kapatid. Noong naging tao ulit ang kanyang dalawang kapatid  sila ay lumakbay pabalik sa kahariang Berbanya, nagplano si Don Pedro na patayin siya upang hindi malaman ang kanilang kabiguan. Kaya binugbog ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan at dinala na nila  ang Ibong Adarna papunta sa Berbanya. Noong nagising si Don Juan nagdasal at dumating  ang isang matandang manggagamot na nagpahid ng gamut sa kanyang mga sugat. Noong umuwi na si Don Juan, umawit ang Ibong Adarna tungkol sa lahat ng karanasan ni Don Juan sa kanyang paglalakbay. Sa gabi ang mga magkakapatid ay nagtanod sa Ibong Adarna, dahil sa kulang ng tulog ni Don Juan siya ay nakatulog at pinakawalan ng dalwang kapatid ang Ibong Adarna.

2. Armenia, Ang Balon: Pumunta si Don Juan sa  Armenya at nakakita sila ng balon na sobrang madilim at malalim. Sina Don Pedro at Don Diego ay di nagtagumpay sa pagbaba, ngunit si Don Juan lang ang nakababa at nakita si Donya Juana, at agad umibig siya kay Donya Juana at pinatay ang higanteng nagbabantay. Pumunta naman si Don Juan kay Donya Leonora at agad rin umibig sa kanya, pinatay niya ang serpyenteng nakabantay. Sa pagakyat ni Don Juan at ang dalawang prinsesa naiingit si Don Pedro dahil kasama ni Don Juan si Donya Leonora, kaya noong bumaba si Don Juan ulit para kunin ang singsing ni Donya Leonora at umakyat ulit pinutol ni Don Pedro ang tali at nahulog si Don Juan. Gamit ang lobo ni Donya Leonora inutusan niya na gamutin si Don Juan.

3. Paglalakbay patungo sa Reynos De Los Cristales: Si Don Juan noong naabutan ng lobo ay putol ang kanyang mga buto at meron lumalabas na dugo, kaya kumuha ng tubig ang lobo sa Ilog Herdan at ipinahid kay Don Juan at agad siyang gumaling. Noong umakyat na sila sa balon at nagpaalam na ang lobo, at nakatulog si Don Juan. Nakita ng Ibong Adarna si Don Juan at ginsing, inutusan ng Ibong Adarna na pumunta sa Reyno de los Cristales. Lumakbay muli si Don Juan at nakakaita siya ng isang ermitanyo na nagbigay sa kanya ng tinapay at tubig, pinapunta si Don Juan sa ikapitong bundok at binigay ang baro ni Jesus. Nakpunta na si Don Juan sa sinabi ng unang ermitanyo, at ipinakita niya ang baro sa ikalawang ermitanyo na nagtanong sa mga hayop kung saan ang de los Cristales, walang nakakaalm kaya pinasakay ng ermitanyo ang kanyang olikornyo sa pangatlong ermitanyo na nagtanong sa mga ibon kung saan ang de los Cristales, ang nakakaalam lamang ang malaking agila na sinakyan ni Don Juan.

4. Don Juan at Donya Maria: Noong nakarating na si Don Juan sa Reyno de los Cristales nakita niya si Donya Maria, at dahil di niya mapigilan ang kanyang pag-ibig ninakaw niya ang damit ni Donya Maria. Binalik na ni Don Juan ang kanyang damit subalit kailangan niya magawa ang mga pagsubok ni Haring Salermo ang ama ni Donya Maria. Pinagawa si Don Juan ng maraming mga pagsubok ni Haring Salermo subalit, gamit ang mahika ni Donya Maria nagawa nila lahat. Sa pagpilian ng kanyang kakasalin napili niya si Donya Maria dahil sa kanyang naputol na hintuturo. Nagplano na ang hari na ipapadala sa kanyang kapatid na Inglatera si Don Juan, kaya noong narinig ito ni Donya Maria nagplano na rin siya na tumakas sa de los Cristales. Sa pagtakas nila ay isinumpa ng hari si Don Juan na kapag nakakita siya ng ibang babae malilimutan niya si Donya Maria.

5. Sa Berbanya at ang katapusan:  Pagdating nila sa Berbanya inutusan ni Donya Maria si Don Juan na wag kausapin ang kahit sinong babae, kahit pa ang kanyang ina. Nakausap ni Leonora si Don Juan at nakalimutan na niya si Donya Maria, si Donya Maria naman ay dumating at para maalala siay ulit ni Don Juan gamit ang mga ita sa prasko na nagtanghal. Hindi pa rin naalala ni Don Juan si Donya Maria, kaya nagalit na si Donya Maria at kinuha ang prasko at babasagin para gunawin ang reyno. Naalala na ni Don Juan si Donya Maria at pinatigil ito. Pinakasal na si Don Juan at Donya Maria, sila ang naging hari at reyna ng bayan ni Donya Maria.

Kabanata 14-18 part 2

Mga gabay na tanong:

  • Paano pinuri ni Don Juan si Donya Juanya?
  • Paano natalo ni Don Juan ang higante?
  • Paano natalo ni Don Juan ang serpyente?
  • Ano ang damdamin ni juan kay Donya Leonora? Bakit?
  • Bakit naiingit si Pedro Kay Don Juan?
  • Ano ang naging reaksyon ni Leonora sa nangyari?
  • Ano ang damdamin ni Haring Fernando noong nakita niya ang mga anak niya?
  • Bakit hindi pa pwede ikasal Si Donya Leonora kay Don Pedro?
  • Ano ang naramdaman ni Don Juan sa kanyang mga kapatid?
  • Paano nagamot ang mga sugat ni Don Juan?

Mga importanteng Saknong:

  • Saknong: 514-516- pinupuri ni juan si juanya
  • Saknong: 550

“Ang Prinsipe kahit pagal

masigla rin ang katawan

lalo na nang matitigan

ang Prinsesang paraluman”

paliwanag-Kahit Pagod si Juan ay pagnakita niya si Juana ay nawawala ang pagod niya

  • Saknong:  573-

“Sa gitna ng mga perlas

tala manding namanaag

si Leonorang pagkarilag

Ang Prinsipe ay napakurap”

paliwanag – nagulat si Juan sa kagandahan ni Leonora

  • Saknong :577-

“Sa mahal mong mga yapak

alipin mo akong tapat

humahalik at hangad

malingkod sa iyong dilag”

paliwanag- binababa ni Juan ang kanyang sarili para kay Leonora

  • Saknong: 641-642- paliwanag -ang paraan kung paano matalo ang serpyente. Kailangan ilagay ang basalmo sa leeg ng serpyente na naputol ang ulo para hindi ito uli makatubo
  • Saknong: 660-

“Kay Don Jua’y naiingit

pagkat dito nakakapit

pagtatapon pa ng titig

ay sa mukha ng kapatid”

palowanag-lumabas ang kaiingitan ni Don Pedro

  • Saknong:670-671- pinutol ni Don Pedro ang lubid at nahulog si Juan
  • Saknong: 688-697- Ang paniginip ni Haring Fernando tungkol kay Don Juan, binaliwala niya ito dahil sa tingin niya ay imahinasyon lang niya ito.
    • Saknong: 700-703- ang mga damdamin ni haring fernando noong nakabalik na sina Don Pedro At Don Diego. Noong una ay natuwa siya pero nakita niya na wala si Don Juan ay malungkot uli siya
    • Saknong: 704-710- ang mga kasinungalingan nina Don Pedro at Don Diego
    • Saknong: 717-721- ang panata ni Donya Leonora at ang dahilan kung bakit hindi muna siya ikakasal kay Don Pedro
    • Saknong: 732- ang mga sugat ni Don Juan
    • Saknong: 750-751  Nanalangin si Don Juan sa diyos ipakita ang landas niya.
    • Saknong: 775- sinabi ng Ibong Adarna kung saan pupunta si Don Juan
    • Saknong: 777-

    “Manalig kang walang hirap

    na di nagtatamong-palad

    pagmasdan mo’t yaong ulap

    hianhawi ang liwanag”

    -pagkatapos ng mga kahirapan ni Don Juan ay lalabas ang bunga ng kanyang kahirapan.

    Kabanata 14-18 part 1

    Kabanta 14: Walang pambahulang Kalaban

    • Mga Tauhan- Don Juan, Donya Juana , Higante
    • Buod: Noong Nakita ni juan ang palayso, may nakita siyang sobrang ganda na babae, Si Donya Juana. Pinuri at inaliw ni Don Juan si Donya Juana .Gusto ni Juana umalis sa balon ngunit kailangan patayin ni juan ang isang higante. Hindi na takot si Juan at sa tulong ng diyos, natalo ni juan ang higante.  Sinabi ni juan na may kapatid siya na kailangan iligtas: Si Donya Leonora.

    Kabanata 15: Kahit pito ulong Serpyente

    • Buod: Natagpuan ni juan si leonora. Kinausap ni juan si leonora at nagkagustuhan sila. Dumating ang serpyente na may pitong ulo at kinalaban ito ni juan . Sinabi ni Leonora kung paano talunin ang serpyente, at sa tulong ni Leonora, ay natalo ni Juan ang serpyente. Pagkatapos ay umalis si Don Juan at ang magkakapatid sa balon.
    • Mga Tauhan: Don Juan, Donya Juana, Donya Leonora at ang serpyente

    Kabanata 16- Muling pagtataksil

    • Buod- Noong nakalabas na sina juan, leonora at juana. Ikinuwento nila ang mga pangyayari sa balon. Noong kinukwento nila, lumabas nanaman ang inggit ni Don Pedro at muli nagplano si Don Pedro na taksilan si Don Juan. Nakalimutan ni Donya Leonora ang kanyang singsing at pinakuha ito kay Don Juan. Habang bumababa si Juan sa balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid at bumagsak si Don Juan. Inutusan ni Donya Leonora ang isang mahiwagang lobo na bumaba roon at gamutin si Don Juan. Sina Don Pedro, Diego, Donya Juana at Leonora ay naglakbay  pauwi sa Berbanya at naiwan si Don Juan sa balon.
    • Tauhan: Don Pedro, Don Diego, Don Juan, Donya Leonora, Donya Juana

    Kabanata 17: Hanggang Kailan

    • Buod: Malungkot ang kahirang Berbanya at si Haring Fernando dahil hini pa dumarating ang mga prinsipe. Noong nakita ng Hari na parating sina Don Diego at Pedro ay natuwa siya dahil mayayakap niya muli si Don Juan. Wala pala si Don Juan at nalungkot nanaman ang Hari. Ikinuwento nung magkakapartid kung ano ang nangyari pero ito ay puro kasilunganan.  Hiningi ni Don Pedro na makasal siya kay Leonora ngunit may panata si Leonora na dapat maghintay ng pitong buwan bago maikasal si Leonora. Si Don Diego naman ay ikinasal kay Donya Juana at siyam na araw na puno ng kasiyahan ang Berbanya. Samantala….nasa balon pa rin si Don Juan.
    • Tauhan: Don Pedro, Don Diego, Haring Fernando, Donya Leonora, Donya Juana

    Kabanata 18: Muling paghahanap, Muling pagtatagpo

    • Buod:  Si Don Juan ay may dugo lumalabas sa kanyang ulo, bali-bali ang mga buto niya at mukhang hindi na siya mabubuhay. Naabutan ng Lobo Si Don Juan at gamit ang tubig, ay ginamot si Don Juan. Umakyat sila sa balon at iniwan ni ng Lobo si Don Juan. Sa paglalakbay, ay nakatulog si Don Juan at noong gumising na siya ay nakita niya muli ang ibong adarna. Ikinuwento ng Adarna kung paano siya nakalis sa palayso at sinabi ng Ibong Adarna na pumunta si Don Juan sa Reyno De Los Cristales upang mahanap ang isang Donya Maria Blanca.
    • Tauhan: Don Juan, Lobo at Ibong Adarna

    Kabanata 26-29

    Buod ng Kabanata 26: Ikakasal ka nga ba?

    Namatay na si Haring Salermo dahil sa pagod ng paghahabol kay Don Juan at Donya Maria. Maaari na silang magpakasal sa isa’t isa kaya naglakbay si Don Juan papunta nng Berbanya upang ihanda ang kasal. Pagkarating doon , Nakita niya si Donya Leonora at napamahal muli sa kanya dahil sa sumpa ni Haring Salermo. Buti na lamang at ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahika para tingnan kung napano na si Don Juan at nalaman na napamahal na pala siya sa ibang babae kaya naman nagpunta siya ng Berbanya.

    Buod ng Kabanata 27: Bakas ng Nalimot na Lumipas
    Ginamit niya ang kanyang mahiwagang sing-sing upang gumawa ng damit na pang emperatris at isang napakagandang karosa. Sinakyan niya ang karosa patungong Berbanya. Nang makarating siya sa Berbanya . Nabighani ang mga tao sa kanyang kasuotan kaya pinatigil muna ang kasal. Hindi na siya nakilala ni Don Juan. Naghandog si Donya Maria ng isang palabas gamit ang dalawang Ita. Isinalaysay nila ang paglalakbay ni Don Juan at ang pagmamahal nila ni Donya Maria. Nang matapos sila sa pagdudula , Nawala sila sinbilis ng kanilang pagkarating. Wala paring kibo si Don Juan. Hindi niya pa rin maalala si Donya Maria.

    Buod ng Kabanata 28: Nagbalik na Alaala ng Pag-ibig
    Bumuhos ang galit ni Donya Maria at bumaha sa buong kaharian. Nagmakaawa na ang mga tao na itigil na niya ito ngunit hindi niya sila pinakinggan. Buti na lamang at biglang naalala ni Don Juan si Donya Maria kaya tumigil na si Donya Maria. Nang sinabi ni Don Juan na gusto niyang pakasalan si Donya Maria , Si Donya Leonora’y nagreklamo. Ibinigay na lamang ni Don Juan si Leonora kay Don Pedro para pakasalan. Hindi tumanggi si Donya Leonora ngunit hindi rin siya nasiyahan.

    Buod ng Kabanata 29: Masaya ang Buhay
    Nagpakasal sila ng sabay sa Berbanya. Naghari sina Don Pedro sa Berbanya at si Don Juan naman sa Reyno de los Kristales. Naging isang mabuting hari si Don Juan na hinangaan ng mga tao.

    Mga Gabay na Tanong:

    Kabanata 26:

    Bakit iniwan ni Don Juan si Donya Maria?

    Kabanata 27:

    Ano ang sinakyan ni Donya Maria papunta sa Berbanya? Saan nanggaling ito?

    Kabanata 28:

    Sino ang pinakasalan ni Don Juan?

    Kabanata 29:

    Sino ang pinakasalan ni Don Juan?

    Mahahalagang Saknong:

    Kabanata 26:

    1415 “Hiningi sa kamahalan
    Pitong taon pagbabanal
    Pag-iwas po na makasal
    Sa hindi ko minamahal

    1416 “Ngayon ko ipagtatapat
    Sa inyo pa at sa lahat,
    Ang sa puso ko’y may hawak
    Si Don Juan, inyong anak.

    Sa mga saknong na ito makikita ang tunay na dahilan ng paghihintay ni Donya Leonora para ikasal. Si Don Juan pala ang minamahal niya ng lubusan.

    Kabanata 27:

    1486 “Gunitain mo, Don Juan
    Ang lahat ng kahirapan
    Ni Donya Maria mong hirang
    Nang dahil sa iyo lamang.

    Kinakausap ng negrito si Don Juan at pinapaalala sa kanya ang ginawang hirap ni Donya Maria para sa kanya.

    Kabanata 28:

    1642 “Katutubo sa magulang
    na ang anak kapag mahal,
    ang ingat ay gayon lamang
    ni sa hangi’t di pahipan.

    Ito’y isang aporismo. Ipinahihiwatig nito ang pagtrato ng mga magulang sa kanilang mga anak. Iniingatan talaga nila sila dahil sa labis nilang pagmamahal.

    Kabanata 29:

    1705 “Ngayo’y ating puputungan
    ng korona si Don Juang
    karugtong ng aking buhay
    at Hari ng kaharian

    Bumalik sila ng Reyno de los Kristales at doon na naghari si Don Juan.

    Kabanata 23-25

    Kabanata 23 Pagsubok sa Binatang Nagmamahal
    Buod: Tinuruan ni Donya Maria si Don Juan ang kanyang mga sasabihin sa hari at ang mga pinarusa ng hari, noong nagising ang hari ginawa ni Don Juan ang mga sinabi ni Donya Maria. Inutusan ng Hari si Don Juan na kumuha ng trigo, patagin ang bundok at itanim ang trigo, bukas ay dapat tinapay na ang trigo para sa almusal ng hari. Natupad lahat ito ni Donya Maria gamit ang kanyang mahika.

    Kabanata 24 Tagisan ng Talino
    Buod:Binigay ulit si Don Juan ng mga pagsubok, una ay pinakawalan ang labing-dalawang ita na kailangan niyang huliin, sag alit ni Donya Maria napabalik ang lahat ng mga ita. Ang ikalawang pagsubok ay iurong ang bundok upang, maramdam ang hangin, nagawa ito ulit gamit ang mahika ni Donya Maria. Ang pangatlong pagsubok ay gumawa ng kastilyo na may mga sundalo at mga kanyon, muli natupad gamit ang mahika. Nahulog rin ng hari ang kanyang singsing sa dagat na pinahanap niya, gamit ang mahika ulit naging maraming isda si Donya Maria at nakuha na ang singsing, subalit nagkamali si Don Juan at naputol ang kanyang hintuturo. Inutusan naman ng hari bumait ang kanyang paboritong kabayo, gamit ang busal at ang mga bilin ni Maria bumait rin ang kabayo.

    Kabanata 25 Malayang Umibig
    Buod: Pinapili na si Don Juan kung sino ang kanyang kakasalin, mayroong tatlong silid na may butas at nakalabas lamang ang hintuturo, nalaala ni Don Juan ang putol na hintuturo ni Donya Maria at tama ang kanyg pinili. Nagplano ang hari dalhin  si Don Juan sa kapatid niyang Inglatera at noong malaman ito ni Donya Maria nagplano sila na tumakas, at noong nagising ang hari hinabol sila gamit, ang mahika ng prinsesa napigilan niya ang hari na habulin sila. Isinumpa ng hari si Don Juan na makakalimutan niya ang kanyang mahal kapag naklakita siya ng ibang babae. Pagkatapos rin ng ilang araw nag kasakit na ang hari at namatay.
    Gabay na Tanong
    1. Ano ang tinuruan ni Donya Maria kay Don Juan?
    2. Ano ang unang pagsubok ng hari kay Don Juan?
    3. Paano natupad ni Don Juan ang pasubok ng hari?
    4. Ano ang tatlong pagsubok binigay ng hari?
    5. Ano ang pinahanap ng hari sa dagat?
    6. Ano pinabait ng hari?
    7. Paano nalaman ngi Don Juan kung alin ang hintuturo ni Donya Maria?
    8. Ano ang ginawa ni Donya Maria noong nalaman niya papatayin ng kanyang ama si Don Juan?
    9. Ano ang ginawa ng hari noong nakatakas na sila?
    III. Mahalagang Saknong

    Kabanata 23
    989-992 – Ang mga prinsepe na naparusahan ng ama ni Donya Maria
    993-1006 – Ang mga bilin ni Donya Maria kay Don Juan
    1020-1025 – Unang pagsubok ni Haring Salermo kay Don Juan
    1043-1045 – Gagawin na ni Donya Maria ang pagsubok ng kanyang ama
    Kabanata 24
    1066-1073 – Unang pagsubok ng hari
    1100-1104 – Ikalawang pagsubok ng hari
    1130-1138 – Ikatlong pagsubok ni Don Juan
    1190-1194 – Pinahanap ng hari ang kanyag singsing na nahulog sa dagat
    1246-1249 – Pinabait ng hari ang kanyang paboritong kabayo
    Kabanata 25
    1308-1311 – Pinapili ang prinsepe kung alin na hintuturo ang kay Donya Maria
    1323-1326 – Nagplano ang hari na ipdala si Don Juan sa kanyang kapatid na Inglatera
    1333-1338 – Ang plano ni Donya Maria na tumakas
    1350-1362 – Gumamit ng mahika si Donya Maria upang makatakas
    1365-1369 – Isinumpa ni Haring Salermo si Don Juan
    IV Links
    http://www.viloria.net/ibong-adarna/ibong-adarna-summaries-part-1/

    Don Diego

    Don Diego
    Si Don Diego ay isang prinsipe sa kahariang Berbanya. Siya ay ang pangalawang anak ni haring Fernando at ni DonyaValeriana. Siya ay mahinhin at matahmik. Marunong siya gumamit ng patalim at magsakay ng kabayo.

    Ang Kwento niya:

    Noong nagkasakit ang hari at hindi nakabalik si Don Pedro, inutusan ng hari si Don Diego hanapin si Pedro at ang Ibong Adarna. Naglakbay siya ng limang buwan at dumaan sa mga gubat, parang at iba pa bago siya nakarating sa Bundok Tabor. Namatay ang kabayo niya at inakyatan niya ang bundok. Pagdating sa itaas ay tumingin muna siya at natagpuan niya ang Piedras Platas. Dahil sa pagod ay umupo muna siya sa isang bato na may kakaibang hugis. Hinintay niya ang Ibong Adarna. Nagtaka si Diego dahil hindi lumilipad ng malapit ang mga ibon sa puno. Noong dumating na ang Ibong Adarna ay minasdan muna niya at naaliw siya dito. Noong kukunin na niya ang ibon ay kumanta ang ibon at nakatulog si Diego at pinatakan ito kaya naging bato rin siya. Nailgtas siya ni Don Juan at naglakbay ang mga kapatid pauwi sa Berbanya. Kinausap siya ni Don Pedro at binugbog nila si Don Juan at ninakaw ang Ibong Adarna.Noong nakabalik na si Don Juan sa Berbanya ay ay sinabi ng Ibong Adarna kung ano talaga ang nangyari at pinagalitan ng hari ang dalawa. Sa utos ng hari ay ipinaguardya niya ang thong Adarna sa rnagkakapatid. Pinakwalan nila ang Ibong Adarna at umalis si Don Juan. Sa utos ng hari ay pinahanap siya sa dalawang magkakapatid. Pumunta silang tatlo sa Armenia at nanatili sila roon. Noong naglalakabay sila ay may nakita si Don Juan ng isang balon at gusto nitong bumaba dito. Si Don Juan lang ang nakababa sa balon. Noong nakakyat na si Don Juan kasama ang sina Donya Leonora at Juana ay nagustuhan ni Don Diego si Donya Juana. Noong nakabalik na sila sa Berbanya na hindi kasama si Don Juan, kinasal si Don Diego at Donya Juana at masaya ang Berbanya ng siyam na araw.

    Don Pedro

    Don Pedro:

    Si Don Pedro ay isang prinispe ng kahariang Berbanya. Siya ay anak ni Haring Fernando at ni Donya Valeriana. Panganay siya sa tatlong. magkakapatid Marunong siya gumamit ng patalim at marunong sumakay ng kabayo.

    Ang Kwento niya: Noong nagkasakit ang hari , Siya ay ang unang inutusan ng hari kunin ang Ibong Adarna. Naglakbay siya ng tatlong buwan bago nakarating sa Piedras Platas. Doon ay tinignan niya muna ang puno at nakatulog siya dahil sa pagod. Dahil dito ay hindi niya nakuha ang Ibong Adarna. Nung dumating ang Ibong Adarna ay kumanta muna ito at pinatakan si Don Pedro at naging bato siya. Pagkatapos ng ilang buwan ay iniligtas siya ni Don Juan at naglakbay na sila pauwi sa Berbanya na nahuli na ang Ibong Adarna. Dahil sa tagumpay ni Don Juan ay nainggit siya sa kanya. Nagplano siya kasama ni Don Diego na bugbugin si Don Juan at kunin ang Ibong Adarna. Nangyari ito at pauwi na ang dalawa . Noong nakabalik na si Don Juan sa Berbanya ay ay sinabi ng Ibong Adarna kung ano tataga ang nangyari at pinagalitan ng hari ang dalawa. Sa utos ng hari ay ipinaguardya niya ang Ibong Adarna sa magkakapatid. Lumabas nanaman ang inggit ni Pedro at dahil dito ay pinakwalan niya ang Ibong Adarna. Lumabas si Don Juan ng Berbanya at sa utos ng hari ay pinahanap siya sa dalawang magkakapatid. Pumunta silang tatlo sa Armenia at nanatili sila noon. Noong naglalakabay sila ay may nakita si Don Juan ng isang balon at gusto nitong bumaba dito. Si Don Juan lang ang nakababa sa balon. Noong paakyat na si Don Juan na kasarna sina Donya Juana at Leonora, lumabas nanaman ang inggit ni Don Pedro. Nakalimutan ni Leonora ang kanyang singsing at pinakuha ito kay Don Juan. Pababa na si Don Juan pinutol ni Don Pedro ang lubid at bumagsak si Juan sa balon. Noong nakabalik na sina Don Pedro, Diego, Donya Leonora at Donya Juana sa Berbanya ay gusto pakasalan ni Don Pedro si Leonora. Nagsinuanglin si Don Pedro sa mga panayayari at sinabi niya na hindi nila mahanap si Don Juan. Sabi ni Leonora na hihintay siya ng pitong taon bago sila ay makasal. Hinintay talaga nito ni Don Pedro at sa katapusan ng kuwento ay nakasal siya kay Donya Leonora.

    Previous Older Entries